Ang bisyon sa komunidad ng Shape Our Water (Hubugin ang Ating Tubig) ay isang panggabay na liwanag para sa pagdedesisyon tungkol sa kung anong mga pamumuhunan sa drainage at wastewater ang dapat maging bahagi ng ating 50-taong plano.

Sa loob ng dalawang taon ng outreach at pakikipag-ugnayan, natutunan ng Mga Pampublikong Utilidad ng Seattle (Seattle Public Utilities, SPU) ang tungkol sa mga layunin ng ating komunidad para sa kalusugan ng komunidad at kapaligiran, katatagan, pamumuhunan para sa maraming benepisyo, at pakikipagsosyong nakasentro sa komunidad.

Nakikibahagi ang nagresultang plano ng bisyon ng Shape Our Water (Hubugin ang Ating Tubig) sa mga prinsipyo at priyoridad ng ating komunidad. Ginagamit natin ang Bisyon sa Komunidad para gabayan ang mga priyoridad sa pamumuhunan sa hinaharap para sa imprastraktura, mga patakaran, at programa, kasabay ng real-world na data at pagsusuri sa mga pangangailangan ng ating kasalukuyang sistema.

Lahat ng ilustrasyon ni Natalie Dupille.

  • Kalusugan ng Komunidad at Pangkapaligiran

    Ang mga pamumuhunan sa kalidad ng tubig ay dapat humantong sa pantay na mga kinahinatnan, kabilang ang kalusugan ng ating mga komunidad at ng ating lokal na kapaligiran.

  • Katatagan

    Ang mga pamumuhunan sa imprastraktura ng kinabukasan ay kailangang maging matatag at madaling ibagay sa mga hamon sa klima na haharapin ng Seattle sa mga susunod na taon.

  • Multi-Benefit Investments

    Ang mga pamumuhunan sa drainage at wastewater ay dapat magbigay ng maraming benepisyo tulad ng pampublikong espasyo, pag-unlad ng ekonomiya, at pagkakaisa ng komunidad, bilang karagdagan sa pagpapabuti ng kalidad ng tubig.

  • Pakikipagsosyo sa mga lokal na komunidad

    Upang makabuo ng pamumuhunang lubos na mapakikinabangan ng marami, ang Seattle Public Utilities ay dapat bumuo ng makabuluhang pakikipagsosyo sa mga lokal na komunidad, mga organisasyong pangkalikasan, iba pang entidad ng pamahalaan, at marami pang iba.

Kulayan ang Ating Pananaw sa Komunidad

Ano ang iyong pananaw para sa kinabukasan ng tubig ng Seattle? I-download ang aming mga napi-print na pahinang pangkulay upang dalhin ang iyong sariling mga kulay at pagkamalikhain sa mga eksena ng natural na tubig ng Seattle.

Lahat ng ilustrasyon ni Natalie Dupille.